Nakakalungkot lamang isipinna kung hindi pa darating ang ganitong mga pagkakataon ay hindi rin maaalala si Rizal at ang kanyang kadakilaan. Hindi maalala ang kanayang pinagmulan, pinaghirapan at sinakripisyo para sa Inang Bayan. Marahil ay siya ang Pambansang Bayani, subalit mukhang hanggang sa panagalan at larawan na lamang siya kilala lalo na ng bagong henerasyon. Maging ang ibanag anasa hustong gulanag na ay hindi man alamanag alam ang palayaw ni Jose. Marahil ay matatawa ka subalit ito ang “masakit na katotohanan”. Simpleng palayaw ng ng isang tunay ana bayani ay hindi alam ng mga taong pinagalayan niya ng buhay.Mga simpleng bagay na ukol sa kanya na dapat na malaman ng bawat Pilipino ay hindi makuhanag alamin.
Salamat na lamang at may PISO na laan para kay Rizal. Noong una ay nagtataka ako kung bakait sa piso inilagay anag Pambansang Bayani. Bakit hindi sa isang libo o sa limang daan? Bakait sa mababang halaga inilagay ang “mukha” at “ngalan” ng isanag mataas na bayani? Subalit matapos anaag nagdaang linggo na halos puro pagpupugay kay Pepe ang napanuod ko ay naintindihan ko na kung bakit. Ito ay upang laging maalala ng bawat Pilipino si Rizal. Saapagkat kung wala ang PISO ay ‘di makakabuo ng iba pang halaga. Parang si Rizal, kung hindi dahil sa mga sakripisyo at mga bagay na ginawa niya ay hindi mabubuo sa diwa ng mga Pilipino noon at maging hanggang ngayon ang pagiging MAKABAYAN. Ang PISO din ang karaniwang laman ng bulsa lalo na ng mga ordinaryong Pilipino, na isang magandang paalala ukol kay Rizal. Maging ang mga bata ay malimit PISO ang hawak at dito’y kahit papaano ay makikilala nila sa mukha si Rizal na naniniwalang “Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan”.
Marahil ay simpleng dahilan lamang ang mga ito kung bakit nasa PISO nga si Jose. Subalit sana ang PISONG ito ang maging paalala sa sa “puso” ng bawat Pilipino kung sino at gaano kalaki ang naiambag ng isang Dr.Jose Rizal sa Pilipinas at sa bawat mamamayan nito. Na kahit gaanong kalaking halaga ang ipalit ay wala pa ding katumbas sa nagawa ng dakilang Pilipinong ito.At anag PISO NI RIZAL na paalala sa puso ng bawat Pilipino.
….WAKAS….
magaling
TumugonBurahinstatement po ba ito galing sa bangko sentral ng pilipinas?
TumugonBurahin